The Girl Dreamer

Saturday, July 16, 2005

successful end of the week..

alam nyo, sa totoo lang, hindi successful yung week ko..ang totoo ayoko talaga ng week na toh..kundi lang dahil sa nangyari kahapon..kc super daming tests, mahihirap pa..tapos lagi nalang ako nadedepress araw araw..cno ba nman ang matutuwa sa week na ganun..dba wala..except nalang kung may mangyari saung kakaiba..as in yung topic pa sa filipino tungkol sa love na parang lahat sa class apektado na natatahimik nalang pag tungkol dun ang dinidiscuss..haaay, kasi namn..ewan ko ba..basta super hassle at tiring ng week na toh..super hindi nako magkandaugaga sa mga pinag gagagawa ko..grabe talga..solid na kakaiba.. kung hindi nag email c "ate" walang kwenta talga ang week na toh..sobrang nagpapasalamat ako kay "ate" kc inalis nya lahat ng pagod ko dahil sa email na yun at sa mga cnabi nya dun lalo na yung line na, "kahit di tayo masyado nagkikita o di kita masyadong nakakausap o kaya naman minsan ma-feel mo na di kita pinapansin o napapansin, isipin mo pa rin na your my little sister.".. o diba ang saya at ang gaan gaan sa puso na tawagin kang little sister ng taong mahal mo at dati ay ikaw lang ang tumuturing sa kanya na kapatid, ngaun naman ay ipinapakita na nya sakin na itinuturing na rin nya ko na kapatid at iniinvolve na nya ko sa mga pangyayari sa buhay nya..mahal na mahal ko ang "ate" ko dahil dito sa pangyayaring ito..

Diyos ko, salamat po at inend nyo ang week ko ng maayos kahit na ang kabuuan nito ay kapaguran, salamat po at lagi nyo akong pinapakinggan at hindi binabale wala, ipinapangako ko po sa inyo na gagawin ko ang lahat para makabawi sa kabaitang ipinapamalas nyo sa akin at pati sa aking pamilya't mahal sa buhay..salamat po sa lahat ng mga biyaya..mahal na mahal ko po kayo Diyos ko..

nagpapasalamat din ako dahil inihanda na nga ako ni "ate" tungkol sa high school lofe at dati pa nya cnabi na dapat paghandaan ko na tong high school life at masanay nako sa madaming works..nagpapasalamat nga ako sa kanya kc kundi dahil sa mga bilin nya at advice, cguro hindi lang ganito ang mararamdaman ko ngaun..cguro magwawala nako sa sobrang inis at pagod kung hindi ako inihandsa ni "ate" tungkol sa mga bagay no toh..salamat talaga at andyan cya para suportahan ako at bigyan ako ng advice kahit na alam kong busy cya..nararamdaman ko yung importansiya ko sa buhay nya..sobrang iba talga cguro ang buhay ko kung hindi ako napalapit sa kanya at kung hindi ko cya nakilala..sobrang dami kong narerealize simula nang naging 15 years old ako..super parang nag mature ng sobra ang utak ko lalo na emotionally..narealize ko rin na hindi lang sobra kundi sobra sobra sobrang swerte ko na parte ng buhay ko c "ate" at parte rin ako ng buhay nya..cya na ang taong sobrang pinasasalamatan ko na dumating sa buhay ko at nagpakumpleto nito maliban sa pamilya't mga kamag-anak ko..hinding hindi ko na cya kayang alisin sa puso't isipan ko kahit anong mangyari..kahit pilitin pa ko ng kahit na sino ay hinding hindi ako papayag na mawala at maalis sa akin ang taong nagbigay sakin ng pag-asa at ng dahilan para mabuhay..

isa pang taong pinasasalamatan ko na dumating sa buhay ko ay c mader..ang totoo naman kc, cya lang ang tanging tao na nakahigit kay "ate" sa puso ko at alam kong mahirap mahigitan c "ate" pero nagdecide ang puso ko nung araw na yun na payagan c mader na higitan c "ate" nang hindi ko napipigilan..ibig sabihin, meron talagang rason kung bakit napasali c mader sa buhay ko kaya't gaya ni "ate"..mahal ko rin cya pero alam ng lahat na mas mahal ko parin si "ate".. kakaiba lang tong relationship ko with mader kc dati, sobrang hate ko cya nung hindi ko pa cya nakikilala ng mabuti but when i got to know her better, sobrang na-amaze ako sa napakagandang ugali nya..wala nakong masasabi pa and i know that she deserves to be loved by everyone..

itong dalawang taong binanggit ko ay dalawa sa mga taong napakaimportante sa buhay ko at hinding hindi ko kakayanin kung mawawala cla..gagawin ko ang lahat para sa kanila, para sa kaligayahan nila at sa ikabubuti ng kalagayan nila..i will never ever put them down and i will never ever give them up..hinding hindi at final decision ko na yun at wala nang makakapag pabago sa decision kong toh..Diyos ko, alagaan nyo po cla lagi lalo n po ang aking "ate" na malapit nang manganak..yun lang po..let me hav a wonderful week ahead of me..salamat po sa lahat..=)

>>>seventeen
posted by tin17 at 5:26 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home