The Girl Dreamer

Friday, April 13, 2007

12april07 - 3rd term card distribution - san juanico - ATC

hay nako..nakakakaba pero masaya..hindi ko maexplain..basta yun edi kinuha na nga namin yung card namin..kinuha ni mama yung card ko kay ms nuevo tapos inayos yung gulo about dun sa funday ticket..thanks to sir igcas..hehe..tapos habang magkausap yung mom ko at yung advisers ko, narinig ko yung boses ni mader..namimigay sya ng YO sa mga parents, students and other teachers..basta yun..eh hindi naman ako makaalis dun hanggang di pa tapos magusap yung mom ko at sina ms nuevo kaya medyo nawala na cya sa paningin ko..tapos ang saya ko kasi naisalba ko pa yung grade ko sa physics na maging 85 tapos yung pinaghirapan kong pataasin na Alg and Geom ay napataas ko talaga..yung alg - 89 to 90, tapos yung geom - 83 to 88..galing noh..sobrang sarap ng feeling nung nakuha at nakita ko yung card..hay..thank God may 3rd honor at exemplary nako..woohhooo..:)

nung tapos na kami dun, hinanap ko agad si mader,kala ko d ko na ulit cya makikita pero nagkamali ako kasi nandun lang pala cya sa may gitna..buti nalang nakita ko cya agad..ang saya..tumakbo ako agad sa kanya nung nakita ko cya..kinalabit ko cya tapos nag kiss and hug kami..ang saya ko..tapos kinamusta nya ko..ganun..tapos sabi nya kamusta daw grades ko and patingin daw ng card..edi kinuha ko bigla yung card ko kay mama..nag hi cya kay mama tapos tinignan nya na yung card ko..tinanong nya yung kung may honor daw ako..sabi ko 3rd..congrats daw..tapos nakita nya yung conduct ko tapos sabi nya bat daw ako may Am, ano naman daw ang pinag gagagawa ko..haha..sabi ko i dont know..tapos yun..pinagalitan nya ko kasi mababa daw yung grades ko sa physics and geometry..haha..la lang..tapos yun, good naman daw yung grades ko pero mas pataasin ko pa daw yun lalo na sa pag dating ko ng 4th year..yun..tapos binibigyan nya ko nung YO na dala nya eh ayaw kong kunin kasi sabi ko sagabal lang coz im going somewhere after..tapos yun..sabi niya pag hindi daw ako kumuha hindi na daw niya ko itetext..akaya ayun, hindi ko nanaman natiis at kinuha ko na rin..tapos nag hug ulit kami..ang ganda daw ng shirt ko..ibalot ko na daw at ipadala sa kanya..ahaha..tapos yun, nag bye na kami kasi may paplanuhin pa kami nina karen..so nag bye na kami sa isat isa..hug tapos love you sa isat isa..saya naman..

tapos yun, hinitay namin nina karen yung iba sa tagaytay sa may PA..eh ang tagal nila kaya punta muna ulit kami ng gym..libot libot..ayun..wala lang...met people..pumunta kay coach ja kasi binigay ko yung paper nya tapos nag thank you ako kasi 100 ang grade ko sa PE..ahaha..la lang..tapos nakita ko na c ria, pinuntahan namin ni karen..tapos sabi nya sakin na gusto niya puntahan c ruby kaya lang nahihiya siya kaya ayun, sinamahan ko..pinauna ko na cna karen sa may PA..ang tagal namin bago nakalapit sa kanila..pasimple pa kami dun sa may electricfan..ahaha..nung may parents pa sa kanila, kayna ms rhia at ms mae muna kami pumunta..ahaha..kwento kwento about easter..tumaba daw ako, pics ni ria sa prom..ayun..txt ko daw si ms rhia etc..tapos nung wala nang parents, lumapit na kami dun..

tapos yun..nakalapit na din kami kasi bigla nalang kaming umupo dun sa may kay ms ramos..nag hi kami tapos sabi ni ms ramos na nagkakalaman daw ako..ahaha..tapos napansin ako ni mommy kaya sabi niya 'hi tin, hi nak!' ayun..eh hiya naman ako kaya nag hi lang din ako..lumipat ako dun sa may tabi niya kaya kinausap niya ko, sabi niya musta daw, sabi ko ok lang naman po..tapos sabi niya sakin, 'kita na kita kanina eh, kala ko pupuntahan mo ko kaya lang lumagpas ka..sabi ko tuloy na nilagpasan mo nako' tapos tumawa lang ako..ahaha.tapos kami kami na nina ms ramos at ria ang nagusap usap..kamustahan..chuchu..tinignan nya rin yung pics ni ria ng prom..ayun..tapos biglang cnabi ni mommy na nag-iba daw cya ng internet server/provider kaya d cya maka-YM..tapos ako tumango lang..nagkaron ulit ng students and parents kaya lumayo nanaman kami..pagkatapos, lumapit ulit kami dun..usap usap kay ms ramos..sabi ko, 'ms iiwan mo na kami..huhuhu' tapos natawa lang kami tapos sabi niya na hindi naman daw niya kami iwan pero lilipat na nga daw siya although masaya cya sa zobel..ayun..hanggang sa tinanong kung kung kailan cya libre kasi pinapatanong ni ria..tapos sabi niya na ichecheck pa daw niya tsaka tanungin din daw namin si ms ley kasi gs2 din daw lumabas nun..tapos tinanong ako ni ms ramos kung san daw ako nakatira kasi sama naman daw ako minsan..haha..tapos yun..txt txt nalang daw..nag babye na kami kay ms ramos..

cyempre di naman ako pedeng hindi magbabye kay mommy kaya kahit kausap niya si ms garcia, ininterrupt ko sila..kinalabit ko si mommy at sabi ko na babye na po..sabi niya with malaking smile, 'babye, bye anak.' tapos nung medyo malayo nako, sumigaw siya, 'ay, pakiss naman ako' tapos tumawa ako at lumapit dun sa may table niya tapos sabi niya, 'ay ayw ko dyan, gs2 ko dito ka, umikot ka dito sakin' tapos tumawa nanaman ako at walang nagawa kundi umikot at puntahan cya..haha..ano pa nga bang magagawa ko dba? ayun, lumapit nako kay mommy..nagkiss kami and nag super hug..namiss ko talaga si mommy..sabi niya, 'sige anak, babye..ingat ka..mga 1week dn tau d makakapag usap sa YM' with a smile pa yun ah..tapos ako sabi ko, bye din po and ingat' ayun..what a day naman..goddness..

tapos nagpunta na kami ng san juanico pool..pagtapos punta kami ATC para mag merienda..habang umiinom kami ng iced tea, nagtext ako kay mommy..sabi ko, 'mommy..:) wala lang po..i love you...' tapos nagreply cya, sabi nya, 'luv u 2 anak. im always thankful dat i hav u in my lyf..:-) ingat ka plagi..God bless..' ayun..ang saya dba..tapos umuwi nako..

PRAYER:
God, sana po marami pang mangyari na ganito sa buhay ko..yung isang buong araw na sobrang saya..thank you po talaga God sa lahat ng blessings at sa pagdinig niyo sa mga panalangin ko..sana hidni niyo din ako biguin sa prayer ko na maging successful na c kuya ron sa board exams nya..i love you God and i trust you..Amen.

>>>seventeen
posted by tin17 at 6:38 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home