The Girl Dreamer

Thursday, December 23, 2004

Mahirap at Masakit...

Actually, I'm not ganna talk about what happened today..I'm gonna talk about what happened yesterday.. So this is it..

Kc ganito yun, kahapon I woke up early coz I'm gonna attend "simbang gabi"..Yun, after that natulog ulit ako..=) wehe..la lang..yun, before kahapon kc, galit na sakin dad ko..alam ko yun cyempre..sabi ko, di bale lilipas din yan..d ko naman inexpect na aabot sa malallng situation..d ko na nga ikukuwento..baka maiyak pa ulit ako..anywayz..mahirap palang umiyak ng buong araw..grabe hanggang ngaun medyo maga parin eyes ko..bale ang gagawin ko nalang ngaun ay ieexpress ang feelings ko about what happened yesterday..

Grabe..ganito pala ang buhay..kala ko noon madali lang pero habang tumatanda ako at habang tumatagal ako dito sa mundo, unti unti kong narerealize na mali pala ang akala ko noon..mahirap pala..hindi lang mahirap, sobrang hirap..Ganun pala yun noh..actually kc ngaun lang naman ako nagkaron ng seryosong problema.. first tym pero sobrang naapektuhan ako.. Narealize ko na dapat pala wag kang makalimot sa kahit ano mang aspeto sa buhay.. yung word na SORRY, wag na wag mong kakalimutang sabihin pag talagang kinakailangan.. Bago ka gumawa ng isang step sa buhay mo, mag-isip ka muna.. think of the possibilities na mangyayari pag ginawa mo yung bagay na yun.. consider the feelings of others bago ka magsalita.. mahirap na, baka matulad kayo sakin.. alam ko nagkamali ako.. Nahirapan at nasaktan ako dahil sa kagagawan ko mismo.. naging masyado akong pa easy easy na nakasakit na pala ako ng di ko man lang naisaisip..masyado akong naging matigas.. masyado akong naging bilib sa sarili ko na nakalimutan ko na ang nararamdaman ng ibang tao sa paligid ko.. mahirap pala pag napatunayan mo sa sarili mo na mali ka.. yung parang sobrang nagsisisi ka na gusto mong bumalik sa nakaraan para baguhin yung pagkakamaling nagawa mo.. Feeling ko sobrang tanga ko.. sobrang manhid.. sobrang walang kwenta.. walang utang na loob.. at higit sa lahat, nafeel ko na wala akong kwenta at walang galang na anak.. kala ko kc noon na nagagawa ko lahat ng dapat kong gawin sa mundo.. sabi kc ng mga tao sa paligid ko na mabait daw ako..pag nag sosorry ako sa mga tao from school, cnasabi nila na wala naman daw reason, bat daw ako nagsosorry.. Sabi ko feel ko na may mali akong gnawa eh.. cmula nun cguro nakalimutan ko nang mag sorry.. yun ang pnaka malaking pagkakamali na nagawa ko sa buhay.. kahit pinaka mahirap sabihin na word ay sorry, dapat yun ang di kinakalimutan dahil sobrang dapat feel na feel mo ang ibig sabihin nito kc importante na wag mong kakalimutan yun pag may nagawa kang pagkakamali.. kala ko dati isang simpleng word lang yun, pero sa naranasan ko kahapon, nakita at naramdaman ko ang importansya ng salitang iyon..

Sobrang laking dagok sa buhay ko ang nangyari saking kahapon.. Sana di na yun maulit muli dahil feeling ko na hindi ko na yata kakayanain pag naulit pa yun.. Sobrang marami akong natutunan sa mga nangyari kahapon.. sana naintindihan niyo ko.. basta ang message ko lang sa mga taong makakabasa nito, wag na wag na wag niyong kakalimutang magsabi ng sorry sa mga taong nagawan niyo ng masamang baga..at tsaka iconsider niyo muna ang feelings ng mga tao sa paligid niyo bago kayo magsalita o gumawa ng isang bagay..Yun lang..


Gusto ko nga din palang mag THANK YOU sa mga taong dumamay sakin kahapon.. cyempre ang ever dearest chocnut ni mader.. c mader at cyempre ang "ate" ko.. Thank you sa inyong tatlo kc kahit papano napasaya niyo ko kahapon at natulungang niyo ko na maging matatag para iface lahat ng mga pangyayari sa buhay ko.. sana hindi kayo magsawang gabayan ako at tulungan.. sana di din kayo magsawa na bigyan ako ng lakas at thank you talga for always being there to help me.. Mahal na mahal ko kayong tatlo.. Kayo ang tatlong anghel na ipinadala sakin ng Diyos kahapon para tulungan ako sa pagsubok na ibinigay niya..Thank you so much at promise ko na kahit papano ay babawi ako sa inyo.. Advence Merry Christmas to everyone..=)

>>>seventeen

posted by tin17 at 1:08 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home