The Girl Dreamer

Saturday, November 29, 2008

112908 nauna si mader hahaha :))

At last, FOR ONCE NAUNANG MAG TEXT SI MADER! Thanks sa interruption ng globe at hindi ako agad nakasend ng message sa kanya..haha..owel..even though it made me smile, still nothing will change the fact that i still have a lot of concerns right now..cant just forget them in a snap..owel..iKada pushes me to go forward and of course, my Gazebo friends will always be by my side..i love them all.. :)

PRAYER:

Lord God, please sana maayos na lahat..love you po..

>>>seventeen
posted by tin17 at 9:00 PM 0 comments

Saturday, November 01, 2008

halloween, happy???

103108
Friday

may katext ka nga buong araw, d mo naman alam kung anong tunay na intensyon sayo..ni hindi mo nga kilala kung sino siya talaga at kung ano ang totoo..kasama mo nga buong araw friends mo, pero iba naman tumatakbo sa isip mo..kung kailan halloween tsaka ka hindi tinext ng taong halos araw-araw nagtetext sayo..sabi mo nakalimutan mo na sila pero di naman pala kaya, hindi mo magawa kahit gusto mo..masaya ka nga with friends the whole day, pag-uwi mo cold treatment naman from dad mo..kala mo masaya sobra araw mo pero mali pala akala mo..tinry mo na hindi magpaapekto sa mga pangyayari pero di kinaya ng powers mo..tinry mong gawin lahat ng tama pero may mga mali pa rin sa mga ginagawa mo..hindi mo alam san lulugar, utak mo'y sobrang nalilito..hindi alam kung pano makakamit ang tunay na kasiyahan at kung pano makokontento..sawang sawa na sa pakikibagay sa mga tao sa mundo, wala rin namang pagbabago kung ika'y magpakatotoo..

..sana tanggap nalang ng lahat ng tao kung sino ang tunay na ako..


..sana ganun lang kadali magpakasaya at makontento..


..mas masaya kaya kung manhid nalang ako???..



PRAYER:
God, ang drama ko pero sobrang alam nyo naman mga pinagdadaanan ko eh..just stay by my side Lord God..guide me sa lahat ng mga gagawin ko please..


>>>seventeen
posted by tin17 at 12:58 PM 2 comments